Salama testimonya ng kabaitan. Bi wua testimonya ng katapangan. Anuman ang iyong marinig, alamin na ang huling salita ay para sa PANGINOON. Ipinagdiriwang ng DIYOS ang iyong pag-unlad kaysa sa iyong mga tagumpay. Kaya't ang mga nagdiriwang ng iyong simula ay gumagawa ng higit pa kaysa sa mga pumapalakpak sa iyong mga napalanunan. Sinasabi ni Myriam Vanderbroucque (founder ng Core Succes) na " Ang autentikong brand ay inihayag, hindi nilikha. Sapagkat mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig." Bilang resulta, ang mga totoong tao ay gumagawa ng mga autentikong brand. Ngayon ay tinatanggap ko ang minamahal na Ramalanjaona Norohanitra Emmanuelle. Ang interview ay hindi sapat upang sabihin ang lahat. Ngunit walang alinlangan na siya ay maghihikayat sa atin na linangin ang halaga na pinakamamahal ko: ang pagiging simple.
'Sapagka't ang PANGINOONG DIYOS, ang Banal ng Israel ay nagsabi, "Sa pagbabalik [sa Akin] at pagpapahinga ay maliligtas ka, Sa katahimikan at tiwala na pagtitiwala ay ang iyong lakas." Ngunit ayaw mo, ____ (Isaiah 30:15, AMP)
** Magandang umaga Emmanuelle
Magandang umaga Simone-Christelle,
** Sino ka ?
Sa mga social network, caterer ako. Para sa akin, ako ay anak ng DIYOS, asawa, at maybahay (ina sa bahay) na nag-aalok ng mga lutong bahay na idinedeliver. Norohanitra Emmanuelle ang aking mga first name. Ramalanjaona ang pangalan ng aking asawa, kung kanino mayroon akong tatlong magagandang anak na babae. Kami ay Malagasy at naninirahan sa France sa loob ng isang dekada.
** Gusto ko kung paano mo tinukoy ang pagkakaiba ng iyong mga tungkulin at ng iyong identidad. Paano mo nakilala ang PANGINOON?
Sabi ng tiyahin ko na sinagot ko ang tawag sa Kaligtasan sa edad na pito, pagkatapos ng broadcast ng pelikula tungkol kay HESUS, tinanong ako ng nanay ko na gumagawa ng mensahe para sa mga bata kung sino ang gustong tumanggap sa kanya bilang PANGINOON at TAGAPAGLIGTAS. Tila nagtaas ako ng kamay. Ngunit wala akong maalala tungkol dito, ngunit sinabi sa akin ng aking tiyahin na noong araw na iyon ay mayroon akong ibang mukha.
Ipinanganak ako sa isang kalahating Kristiyanong pamilya (nanay na tapat kay HESUS, ang ama sa mundo). Wala akong personal na kaugnayan sa PANGINOON, ngunit regular akong nag-aral sa Linggo at Sabado para matuto ng Salita. At marami akong pinuntahang Christian camp na inorganisa ng simbahan. Mahal na mahal ng nanay ko si HESUS. Nang mamatay siya, bilang panganay, kailangan kong maging pangalawang ina sa aking mas nakakabatang mga kapatid. Sa harap nila, ako ay tila malakas, ngunit sa loob Ito ay masama: kalungkutan, pagtanggi, kahihiyan, at iba pa. Sinubukan ng aking ama na lunurin ang kanyang kalungkutan sa alkohol. Pagkalipas ng 4 na taon, noong 2004, nakilala ko si Nathalie, na nananatili sa Madagascar bilang parte ng isang Kristiyanong misyon na pabor sa mga bata.
Ibinabahagi ko sa kanya ang aking mga alalahanin at kalungkutan, ginawa siya ng DIYOS na kapatid ko. Sabay kaming nanalangin. Hindi ko matandaan kung ano ang eksaktong oras na iyon, ngunit tatlong taon na ang nakalilipas, nakita niya ang kuwaderno kung saan nakasulat ang aming mga paksa sa panalangin. Sa iba pang mga bagay: Darating ako sa France isang araw. Marami pang nagawa ang DIYOS, ako ay nasa France, sa parehong lungsod sa kanya, at siya ang maybahay ng aking panganay na anak. Samantala, nagpatuloy ang isang paa ko sa mundo at isang paa sa simbahan. Hindi talaga nakaangkla kay CRISTO. Noong 2011 umalis ang asawa ko sa Madagascar para manirahan sa France. Sa parehong taon namatay ang aking ama. Iniisip ko kung ano ang magiging buhay ko. Matagal ko nang pinigilan ang kalungkutan ko nung pagkabata para gampanan ang papel bilang pangalawang ina. Nalungkot ako. Ang DIYOS ay mapagbiyaya at pinahintulutan akong sumama sa aking asawa isang buwan pagkatapos niyang umalis! Nakarating ako sa Bordeaux, na kinailangan kong umalis para makarating sa Chartres. Pagdating ko sa Chartes (bayan ni Natalie) tiyak na nangangako akong sundin Siya. Sinalubong ako ng mga mabubuting tao sa lungsod na ito. Ang kanilang simbahan ay naging aking simbahan.
** Mapalad siya. At ang bautismo ng ESPIRITU SANTO?
Biglaan it nangyari. Hindi ko partikular na tinanong ang ESPIRITU SANTO. Pinag-isipan ko ito ng ilang sandali, dahil ito para sa akin ay ang "next level". Isang umaga, nagsusuklay ako ng buhok habang nanonood ng palabas sa regalo ng pagsasalita ng mga wika sa Christian channel na EMCI TV. Bigla akong nakaramdam ng pangangailangang magsalita, at nagsimula akong magsalita ng mga wika. Kasing simple ng pakikipag-usap ko sa iyo. Noong ika-17 ng Disyembre, 2019. Hinding-hindi ko makakalimutan ang petsang iyon.
** Aleluya! Paano ka nagkaroon ng ideya na mag-alok ng iyong mga lutuin?
Naging stay-at-home mom ako simula noong kasal namin. Walang problema yun sa asawa ko, pero gusto kong makita siyang mag-isa na nag-aalaga sa pamilya. Nagsisimula akong makaroon ng mga complex. Gusto kong magtrabaho. Ang magkaroon ng sapat na panregalo, para suportahan ang mga asosasyon, habang patuloy na inaalagaan ang aking pamilya. Isang araw sinabi ng asawa ko "Masarap ang mga luto mo, bakit hindi mo ito ibenta? Ang proyektong Fy du soleil aux papilles (Mula sa araw hanggang sa panlasa) ay isinilang makalipas ang tatlong taon. Nag-enrol ako sa training course sa paggawa ng negosyo at kakasimula ko pa lang.
** Bakit Fy du soleil aux papilles (Mula sa araw hanggang sa panlasa)?
Ang FY ay isang salitang Malagasy na ibig sabihin ay makatas, masarap. "Mula sa araw hanggang sa panlasa" bilang pagtukoy sa isla ng Madagascar, kasabay nito, ang araw ay nagpapahayag ng init, ng liwanag, ng buhay, ng pag-asa, ng pagbabago, lahat ng matatagpuan natin kay HESUS.
** Paano kami makakapag-order ng iyong mga lutuin?
Tumatanggap ako ng mga order mula sa aking Facebook page. Nagdedeliver ako sa aking lungsod sa loob ng radius na 15 hanggang 20 km. Ang mga nakatira sa labas ay pumupunta para tanggapin ang kanilang mga order.
** Plano mo bang magkaroon ng website ?
Oo, ngunit hind agad-agad. Magsa-sign up ako sa mga food delivery site, ngunit una at higit sa lahat, hinahayaan kong pangunahan ako ng PANGINOON. Nagpapasalamat ako sa kung nasaan ako at alam ko na sa tamang oras ay darating ako kung saan ako dapat. Ayokong mag-cut corner. Isang bagay ang magluto ng masarap na pagkain; isa pa ang magpatakbo ng negosyo.
**Ang iyong payo para sa mga nais magsimula ng proyekto?
Maniwala ka sa DIYOS at huwag matakot na magsimula sa maliliit na resource. Alam ng DIYOS ang ating mga potensyal at alam kung kailan ito isasabuhay, kailangan lang natin na hayaan Siyang gabayan tayo. Habang nagsasanay sa paglikha ng negosyo, palaging naiinis sa akin ang isang trainer. Pakiramdam niya ay wala ako sa lugar at ang plano ko sa negosyo ay hindi masyadong ambisyoso. "Ang isang microenterprise ay hindi tunay na negosyo", sabi niya. Ang iba ay may magagandang ideya at malalaking plano. Ako ay tatlumpu't anim na taong gulang at naging isang maybahay mula nung ako’y ikinasal. Napakasakit marinig ang mga ganyang salita. Isang araw, umalis ako sa training pagkatapos ng isa pang kahihiyan. Umiyak ako sa DIYOS at tinuligsa ang kanyang pag-uugali sa punong-guro ng paaralan. Nakakagulat, na ako ang una sa grupo na naglunsad ng aking proyekto. Sinimulan ko ang aking "micro-enterprise" nang walang utang, walang advertising, at walang propesyonal na kagamitan. Nagdasal ako, nagluto ako, at ang DIYOS ang nagdadala ng mga customer. Ipinagdadasal ko ang bawat delivery (minsan nakakalimutan ko) na biyayaan ng DIYOS ang pagkain ng mga customer. Bumili ako ng materyal nang paunti-unti. Nais akong bilhan ng aking asawa ng mga propesyonal na kagamitan, ngunit gusto ko ang kumpanya ang mag-self-finance sa mga pamumuhunan nito.
** Pagpalain nawa ng DIYOS ang iyong asawa. Ano ang huling librong nabasa mo?
Ang pinakamaganda sa lahat ng mga libro, ang Bibliya!
** Anong mga asosasyon ang sinusuportahan mo?
Sila ay mga asosasyong Kristiyano, na ang mga pagpapahalaga ay naaayon sa akin. Ako ang general secretary ng isa.
Ang Au-delà des limites (Lampas sa mga limitasyon), isang asosasyong sinusuportahan ng aking kapulungan, laban sa maagang pag-aasawa ng mga batang babae sa Senegal, na ipinangako mula sa murang edad sa mga lalaking kasing-edad ng kanilang ama. Ang asosasyon ay nagtuturo sa mga batang babae at sumusuporta sa kanila upang maging mga independiyenteng kababaihan. Bilang karagdagan, tumutulong sa mga magulang na magkaroon ng kita upang mabayaran ang dowry.
Divine Madagascar (Fb page), isang asosasyong nag-aasikaso sa mga single mother at mga bata na dumaranas ng retinoblastoma o sakit sa puso. Ito ay nag-oorganisa at nag-aasikaso ng mga medical evaluation.
Compassion Madagascar (Fb page), asosasyong Malagasy na nagbibigay ng pangangalagang medikal para sa mga bata mula sa mahihirap na pamilya at lubos na tumutlong sa mga walang pribilehiyo. Sa iba pa, ang mga batang dumaranas ng taggutom sa katimugang bahagi ng Madagascar. Isa itong multitasking association, kung saan makakatulong sila, tumutulong sila.
Salamat Emmanuelle. Salamat sa pagpili ng pagiging autentiko at simple. Ikaw ay walang alinlangan na isang tahimik na puwersa. Ang iyong testimonya ay nagpapaalala sa atin na kung minsan, ito ay sa pamamagitan ng mga nakapaligid sa atin na sinasagot ng DIYOS ang ating mga panalangin, at tayo ay nanalo sa mga laban sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng ipinagagawa sa atin ng DIYOS. Pagpalain nawa ng ating AMA ang inyong kasal, tahanan, at negosyo. Nawa'y umunlad ka sa lahat ng aspeto at nasa mabuting kalusugan sa bawat araw ng iyong buhay.
** Salama = Magandang umaga sa malagasy (Madagascar)
** Bi wua = Magandang umaga sa Mende (Sierra Leone)
Comments