ô zong-tî pagpapala! Nǐ hǎo (你好) testimonya ng kabutihan! Nawa'y iangat ng PANGINOON ang iyong ulo at pagpalain ang iyong tahanan. Nawa ang kanyang pagpapala ay umabot sa mga anak ng iyong mga anak. Sabihin tungkol sa iyong bahay, "Narito ipinanganak ang mga reyna. Dito ay may mga kapatid si Sephora, si Debora ay may mga anak na babae, si Junias ay may mga anak at si Apphia ay may mga kaibigan." Tiyak na isa na rito ang pinakamamahal na si Dores. Siya ay napakatalino, maingat at nakatuon sa Ebanghelyo. Sa pang-araw-araw, siya ay humaharap sa mga hamon at nag-aambag sa pagpapalawak ng Kaharian.
"Sapagkat alam ko ang mga plano at pag-iisip na mayroon ako para sa iyo,' sabi ng Panginoon, 'mga plano para sa kapayapaan at kapakanan at hindi para sa kapahamakan, upang bigyan kayo ng kinabukasan at pag-asa." ___ ( Jeremias 29:11, AMP)
** Magandang umaga Dores, pwede ka bang magpakilala?
Shalom, Simone-Christelle. Dores ang pangalan ko. Ako ay anak ng DIYOS, asawa at ina ng isang 6 na taong gulang na bata na si Chloe. Ipinanganak at lumaki ako sa Cameroon. Kasalukuyan akong nakatira sa Nice, sa Timog ng France. Sa pang-araw-araw, ako ay civil engineer at project manager sa building sector (konstruksyon at pag-rerenovate). Ang aking lokal na simbahan ay Imagin, ako ay miyembro ng Messages de Vie France, at kasalukuyang responsable para sa Europe ng NGO na Père des orphelins (Ama ng mga Orphans) na nakabase sa Ivory Coast.
** Ang civil engineering ay may reputasyon ng pagiging male enviornment (tumatawa). Totoo ba ito?
(Tumatawa) Sanay na akong tanungin ng ganito. Sinimulan ko ang aking pag-aaral sa civil engineering sa Cameroon, sa Yaoundé Polytechnic School. Ako lang ang babae sa klase ko. Dumating ako sa France noong 2005, naghahanda ng double master's degree sa civil engineering. Malayo ito sa pagiging pantay, ngunit sapat ang dami namin na hindi magkaroon ng impresyon na nasa male environment kami. Sa kursong MBA Management, kasing dami ng mga babae ang mga lalaki. Gayunpaman, ang aking mga katrabaho ay halos lahat lalaki.
** Paano mo nakilala ang PANGINOON?
Ipinanganak ako sa isang pamilyang Kristiyano. Palagi kong alam na ang DIYOS ay nariyan, ngunit wala akong tunay na relasyon sa Kanya. Umulan man o umaraw, tuwing Linggo ng umaga ay nagsisimba kami. Binigyan kami ng aking ina ng baon o recreation money na tawag namin sa Cameroon pagkatapos ng serbisyo. Ang sinumang maka-miss ng serbisyo o dumating nang late ay walang makukuha. Nagturo siya sa aming paaralan. Bago umalis ng bahay, binigyan niya ang bawat isa ng halaga para ilagay sa mga ikapu at mga offering basket. Mula sa kanyang upuan bilang miyembro ng choir o elder (katumbas ng isang deacon o lider sa ibang mga denominasyon) ay titingnan niya kung nauna na kaming magdeposito ng mga ikapu at mga alay. Kung nakaupo kami sa likod ng kwarto ibig sabihin late na kami, kaya walang baon. Pumunta ako sa worship tuwing Linggo, umiwas sa pagkakasala, nagbigay ng ikapu at mga alay.
** Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikinig sayo. Hahayaan kitang magpatuloy.
Sa prep school, minsan sinabi sa akin ng isang kaklase na hindi ako magiging Kristiyano sa pagpunta sa simbahan dahil wala akong tunay na relasyon sa DIYOS. Siya ang naging partner ko. Madalas niya akong inimbitahan sa mga youth gathering na inorganisa ng Campus at GBEEC (Groupe Biblique des Elèves et Etudiants du Cameroun), isang daugther association ng IFES (International Fellowship of Evangelical Students). Habang sinunod ko ang mga turo, napagtanto ko na tama siya. Isang araw, sinagot ko ang tawag sa kaligtasan. Sumali ako sa youth group sa aking paaralan. Iyon ang aking pinakamagagandang mga taon. Pambihira ang pagiging nasa fraternal communion sa mga mag-aaral at nagtapos sa iyong paaralan. Halos lahat ay sama-sama naming ginawa: pagmumuni-muni, pag-aaral, pagrerebisa (bago ang pagsusulit) at pag-eebanghelyo. Napapaligiran kami ng mga dating naka-graduate na regular na naghihikayat at nagpapayo sa amin. Masasabi mong ipinamuhay nila ang kanilang ipinangaral. Hindi sila mga mangangaral, ngunit ang kanilang payo ay may bigat. Sila ay tunay na mga tagapayo.
** Luwalhati sa DIYOS! Isa sa mga tito ko ay nagtatrabaho sa IFES at GBEEC. Ipapasa ko ang testimonyang ito sa kanya. Kung pag-uusapan natin nang kaunti ang tungkol sa iyong karera, paano ka naging project manager?
Na-recruit ako ng kumpanya kung saan ko ginagawa ang end-of-study internship ko. Noon pa man gusto ko maging project manager. Sa payo ng aking superbisor, nagsimula ako bilang isang junior works engineer. Ang una kong proyekto ay isang building ng laboratoryo. Ang site na iyon ay tumagal ng apat na taon. Apat na taon kung saan natuto akong patuloy na umangkop. May mga bagay na hindi mo inaasahan. Ang mga teknikal na solusyon na ipinakita sa design phase ay palaging iaakma, muling susuriin at kung minsan ay babaguhin sa implementation phase.
Pagkatapos, habang naghihintay ng bagong site, nagtrabaho ako sa mga design ffice missions: pagpaplano, costing, price study. Pagkatapos ay lumipat ako sa restoration at elevation project para sa isang makasaysayang gusali. Ako ang naging superbisor. Kasabay nito, inihahanda ko ang aking MBA sa mga klase sa gabi, na pinondohan ng aking employer sa loob ng dalawang taon. Bilang karagdagan sa mga teknikal na kasanayan, kailangan kong maunawaan ang mga tungkulin, alalahanin at mga hadlang ng iba't ibang tao na kasangkot sa isang proyekto. At sa pangkalahatan, upang maunawaan kung paano gumagana ang isang kumpanya. Nagkaroon ako ng mga kurso sa finance, business strategy at marami pang ibang paksa. Sa hindi direktang paraan, sinamantala ko ito para mabuo ang aking proyekto. Pagkatapos ng aking MBA, ako ay na-promote bilang project manager, nagtatrabaho sa design at implementation projects.
Nawalan ng trabaho ang aking asawa sa rehiyon ng Paris at lumipat sa timog kung saan nakahanap siya ng trabaho. Nagpasya kaming bigyan ang sarili namin ng isang taon bago ako sumama sa kanya. Alinman ay nakahanap siya ng trabaho sa rehiyon ng Paris, o pagkatapos ng kanyang trial period, humingi ako ng transfer upang makasama siya. Pansamantala, pumunta ako sa Timog nang madalas hangga't maaari: weekends, holidays, atbp. Nagtatrabaho ako sa isang malaking grupo, at napakasaya ko sa aking trabaho. Nagtatrabaho ako sa isang malaking grupo, na kilala sa France at sa buong mundo. Gusto ko ang aking trabaho, ngunit sa Timog ay walang trabahong available para sa aking profile. Isang bagong posisyon ang dinidiscuss ngunit hindi nito naabot ang aking expectation. Kinailangan kong tumingin sa ibang lugar.
Sa awa ng DIYOS, na-recruit ako sa ibang grupo, na kasing-sikat rin tulad ng una. Gayunpaman, ang corporate culture ay ibang-iba. Iba talaga. Umalis ako sa grupo na nakaayos sa mga autonomous subgroup, kung saan ang mga desisyon ay sama-samang ginagawa, para sa isang grupo na may lubos na pormal na mga procedure at nakaayos sa mga center of expertise. Ang dalawang modelo ay parehong epektibo, ngunit ang transition ay maaaring di maayos. Nahirapan ako noong una, pero tinulungan ako ng PANGINOON. Sa loob ng tatlong taon, nagtrabaho ako sa Nice at Marseille. Sumali ako sa team ng isang mahusay na project manager. Isa siyang mentor at coach. Marami akong natutunan sa kanya. Nagtrabaho ako sa iba't ibang phase at proyekto na ibang-iba sa kung ano ang alam ko noon.
** Kasama ang aking mga internship, sa ngayon ay nagtrabaho ako sa higit sa pitong kumpanya (Cameroon at France). Sa katunayan, ang mga transisyon (company culture at istilo ng pamumuno) ay maaaring maging di maayos. Ngayon ikaw ay self-employed. Kamusta ito?
Summer 2019, habang mukhang maayos ang lahat, ipinatawag ako sa regional management. Lumipad ako sa susunod na linggo na umaasang makakatanggap ng promosyon. Laking gulat ko nang ibinalita ng aking employer ang kanyang intensyon na tanggalin ako dahil sa "Serious misconduct". Mayroon akong dalawang linggo para maghanda para sa preliminary interview (legal procedure sa France). Sa totoo lang, sa oras na iyon, hindi ko ito nakita bilang isang pagkakataon. Nanatili akong kalmado sa harap ng aking mga intervewer, ngunit sa loob-loob ko ay naguguluhan ako. Mula sa airport, tinawagan ko ang aking manager para tanungin kung may anumang bagay na maaari kong panagutin. Naisip ko na baka nagkamali ako at walang naglakas-loob na sabihin iyon sa harapan ko. Nasorpresa ako na hindi niya alam na may dismissal procedure na pala. Nagalit siya nang marinig niya ang balita. Paano maiisip ng sinuman na tanggalin ang isang miyembro ng kanyang team nang walang agreement mula sa kanya, nang walang babala sa kanya at lalo na sa gitna ng isang proyekto.
Surprisingly, isang linggo bago sinabi sa akin ng pastor na tatanggalin ako sa trabaho. Sinabi niya sa akin na manalig sa PANGINOON at manatiling kalmado. Nag-ayuno at nanalangin ako sa buong linggo; hindi para marinig ang DIYOS kundi baligtarin ang propesiya na ito. Ngunit sa sandaling lumakad ako sa lobby ng regional office, alam kong may masamang balita ako. Pag-uwi ko nagtanong ako sa DIYOS. "Bakit mo hinayaang mangyari ito sa akin? Bakit ngayon? Ano ang mangyayari sa akin? Paano ko aalagaan ang aking anak? Ano ang dapat kong gawin ngayon?" Sa gitna ng aking pagtatanong, pumasok sa isip ko ang ideya ng magtayo ng negosyo. Ito ang sagot ng DIYOS. Mayroon akong mga plano para sa entrepreneurship ngunit ito ay para sa mga pangmatagalang proyekto sa Cameroon. Ang pag-set up ng sarili kong negosyo ay hindi naging isang opsyon hanggang noon.
Nagsimula akong mag-isip tungkol sa kung anong mga tipo ng mga misyon ang maaari kong i-alok. Minsan ay nagtatrabaho ako sa mga design office. Alam ko ang mga misyon na inaalok nila, at kung alin ang mga ina-outsource ng malalaking kumpanya. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa aking mga kakayahan, natanto ko na maaari rin akong mag-alok sa kanila. Maaari kong tanggihan sa misyon ang mga posisyon na aking nasakop: project manager, pagpaplano, pag-eestimate, preliminary studies, execution, atbp. Sinabi ko sa PANGINOON, "Ok PAPA para sa sariling negosyo ngunit, paano ako kukuha ng mga kliyente? Hindi ako saleswoman. Hindi ako marunong magkumbinsi." Agad na sagot niya, "Ako na ang bahala sa sales." Sa sandaling iyon nagkaroon ako ng kapayapaan sa aking puso, ang panloob na testimonya na nagpapatunay na wala akong dapat ipag-alala.
Sa aking depensa, mayroon akong magandang rekord, na malinaw na nagpapakita na hindi ako nakagawa ng anumang propesyonal na misconduct. Napakaganda ng aking file kaya maaari akong magsampa ng reklamo laban sa aking employer. Ang mga staff representative ay palaging nagsasabi sa akin na maaari akong makakuha ng sampung beses na higit pa sa aking redundancy pay. Dahil sa katotohanan, walang dapat sisihin sa akin. Sa kabaligtaran, ang aking trabaho ay palaging pinahahalagahan. Pagkatapos ng imbestigasyon ang tunay na dahilan ay pang-ekonomiya. Ang subsidiary na kung saan ako ay nawalan ng ilang malalaking kontrata. Ang ilang mga tao ay nadama na kailangan nilang mag-layoff nang mabilis hangga't maaari upang makatipid ng pera. Ang pagpapaalis para sa mga kadahilanang pang-ekonomiya ay lubos na kinokontrol sa France. Upang magawa ito, dapat igalang ng employer ang isang procedure at partikular na bilang ng mga kundisyon. Hindi ganito ang ginawa ng employer ko... Ako lang ang nauna sa listahan, ang akala nila 'magiging madali at mabilis ito'. Ako ang pinakabatang project manager sa secondment at, higit sa lahat, ang huling sumali sa branch.
Maaari akong umalis nang hindi nagpapaalam. Ngunit dahil sa propesyonal na konsensya at bilang pagkilala sa aking manager (ang nag-train sa akin), nanatili ako hanggang sa huling araw. Sa anumang kaso, ang posisyon na hawak ko ay hindi maaaring palitan anumang oras sa lalong madaling panahon at ang team ay kulang na ng tauhan. Ilalagay ko sana sa gulo ang team kung umalis ako sa araw rin na yun. Hindi ka magiging project manager sa isang araw at hindi ka magtatrabaho ng isang project nang magdamag.
Sa panahong ito, gusto ng aking employer na baligtarin ang kanyang desisyon at ginawaran ako ng job offer. Pero tumanggi ako. Tapos na ang oras ko sa kumpanya at may ibang plano ang DIYOS para sa akin. Nag-risk ako at sinabi sa PANGINOON, na hindi ako natatakot na makamiss out. Nagbayad ako ng mga school fee para sa anim na bata sa isang pampublikong paaralan sa Cameroon. Nagsimula ako ng sarili kong negosyo pagkaalis ko. Hindi ko kailangang mag-prospect para sa mga kliyente. Hindi pa man ako umalis sa aking employer ay mayroon na akong mga kliyente at job offers. Inirerekomenda ako ng aking manager sa kanyang address book. Kung hindi hiniling sa akinng DIYOS na magsimula ng sarili kong negosyo ay sumali na ako sa ibang grupo. Ngayon ay mas malaya kong mina-manage ang aking oras, kumikita ako ng mas malaki kaysa dati, at sa kabila ng aking abalang iskedyul ako ay isang worker sa Messages de Vie France.
** Wow, salamat PANGINOON sa testimonyang ito. Ano ang payo mo sa mga gustong magsimula ng mga proyekto o nawalan ng trabaho?
Hayaang gabayan ka ng DIYOS at alamin kung anong panahon ang iyong kinalalagyan. Maaaring may isang oasis sa isang panahon ng iyong buhay at maging bahay ni Potiphar sa susunod. Kapag dumating ang katapusan ng isang bagay, magmove-on.
Sanayin ang iyong sarili at pangalagaan ang iyong mga propesyonal na relasyon. Maaaring gusto ka ng mga tao, ngunit kung hindi ka magaling ay hindi ka nila bibigyan ng mga magagandang assignment. Hindi ako naging project manager dahil nagustuhan ako ng mga managers ko. Ngunit nakakuha ako ng oras dahil nagkaroon ako ng magandang relasyon sa mahuhusay na manager. May visibility ako hanggang 2024. Nagte-training pa rin ako. Ngayon lang, kumuha ako ng kursong risk management.
Huwag mong pabayaan ang iyong relasyon (kasal) para sa kapakanan ng iyong propesyunal na karera, ngunit huwag mo rin itong gawing dahilan para hindi maglingkod sa PANGINOON. Maghanap ng balanse.
** Ilang salita tungkol sa Message de Vie at Père des Orphelins?
Ang Messages de Vie (Mga Mensahe ng Buhay) ay inter-church ministry na nagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo sa buong bansa. Ang Père des Orphelins (Ama ng mga Ulila) ay ang sangay ng ministeryo na sumusuporta sa mga balo at nangangalaga sa mga ulila.
** Ano ang huling librong nabasa mo?
12 Gates of Influence to Transform a Nation, ni Pastor Mohammed Sanogo.
Salamat Dores. Salamat sa iyong pagiging available at sa iyong pangako. Maraming aral ang matututuhan mula sa iyong testimonya. Naaalala natin na bago tayo maging "negosyante", kung minsan ay kailangan nating matuto mula sa "intrapreneurs": ang "iba" ng Lucas 16:12. Kung gayon, dapat nating matutunang magsabi ng "Hindi" sa mga mungkahi ng mga tao upang sakupin ang mga pagpapala ng DIYOS. Walang masasayang na karanasan at gaya ni Apostol Pablo "alam natin na ang lahat ng mga bagay ay nangyayari para sa ikabubuti ng mga umiibig sa DIYOS, sa mga tinawag ayon sa kaniyang layunin." (Roma 8:28). Nawa'y bigyan ka pa ng PANGINOON ng higit pa, nawa'y ipagkaloob Niya sa iyo na sanayin ang marami at tapusin ang Kanyang gawain sa iyo.
** ô zong-tî = Magandang umaga sa Dschang (Cameroon)
** Nǐ hǎo (你好) = Magandang umaga sa Chinese
Comentarios