top of page

Wala akong mga salita ng matatanda, ngunit mahalaga ang aking mga panalangin

Updated: Okt 27, 2023

Mè yéga mamahaling mga bato, Selamat pagi olive halaman.



Luke 18:16 " Ngunit tinawag sila ni HESUS, habang sinasabi [sa mga apostol], “Hayaan niyong pumunta Sa’kin ang mga bata, at wag niyo silang pagbawalan, sapagkat ang kaharian ng DIYOS ay para sa mga tulad nila."





Ipinanganak ako, at lumaki ako sa Cameroon, sa lungsod ng Douala. Panganay at kaisa-isang kananete sa limang magkakapatid, na ngayoy apat na lamang. Mula noong maliit pa ako, ang aking ama ay gusto laging italaga ako sa pagbabasbas ng pagkain. Siya bilang Katoliko at ang aking ina bilang JEHOVAH’s witness, naniniwala ako na higit sa pagtatatag ng kinaugaliang na ito sa akin, para sa kanya, ito ay isang paraan ng paghahanap ng isang anyo ng "neutralidad sa relihiyon". Minsan ko lang marinig magdasal ang aking ama, at ng aking ina ay kadalasang tahimik na nagdarasal (maliban kapag binabasbasan niya ang pagkain o kapag nagbabasa siya ng mga istorya sa Bibliya para sa amin). Bilang dalaga, siya ay nauutal. Nang matigal ang pag-uutal, ang tahimik na pagdarasal ay nanatili. Napagtanto mo noong kinailangan kong basbasan ang pagkain, ako’y nagmula sa wala.


Luwalhati sa DIYOS ang kinaugaliang ito ay naging katalista para sa buhay ko. Kinailangan kong manalangin nang malakas, gamit ang pambatang mga salita nang hindi nagtatagal. Para sakin, noong ako’y bata, malinaw ang mensahe na "naririnig ng DIYOS and mga dasal ng mga bata".


Kung ikaw ay isang magulang, mariing hinihikayat kitang ibigay ang Salita sa iyong mga anak. Himukin silang magdasal. Ipagdasal mo sila, magdasal kasama sila at imibitahan silang magdasal. Kumanta kasama nila, tanungin sila kung anong papuri ang gusto nilang marinig ngayong umaga? Alamin kung ano ang kanilang mga paboritong kuwento sa Bibliya. Nawa'y malaya silang manalangin sa kanilang mga salita. Gaya ng isinulat ko sa dati kong pangaral, Walang mga "maliit na panalangin. "➡➡ Mayroon lamang taos-pusong panalangin, ayon sa Kanyang kalooban (Kanyang Salita) at ginawa sa pananampalataya. Huwag hintayin ang mga pag-atake ng demonyo para turuan sila kung paano manalangin.




Noong bata pa ako, maraming gabing binabanungot ako. May mga umaatake sa aking pagtulong. Nakita ko ang mga taong nagbabanta na papatayin ako, hihiwa-hiwain, at lulutuin nila sa isang malaking kaldero. Nakarinig ako ng mga kakaibang ingay. Sa tuwing susubukan kong sumigaw, walang lumalabas na boses sa bibig ko. Paralisado ako sa aking pagtulog. Nasu-suffocate ako. Minsan pag gising ko takot na takot ako na hindi ko man lang nagawang bumangon sa higaan ko para kumatok sa pinto ng mga magulang ko. Tahimik akong umiyak at sa pagod ay nakatulog ulit ako. Kasama kong nagdasal ang nanay ko bago matulog. Umalis siya isang oras matapos kong makatulog. Sa ilang mga gabi siya ay bumangon ng ilang beses (ang aking ama ay madalas naglalakbay para sa negosyo).


Isang gabi naisip ko talaga na huling oras ko na. Sa TV, nakita ko ang isang batang babae na nagdarasal. Kinakausap niya si HESUS na parang nakatayo Siya sa harap niya. Nagmarka sa akin ang eksenang ito kaya pumunta ako sa aking kwarto upang buksan ang aking koleksyon ng mga kuwento sa Bibliya at basahin ang lahat ng mga kuwento tungkol kay HESUS. Nang gabing iyon ay nakatulog ako nang walang nakain. Ang gabi ring iyon ang pinakamasama sa lahat, ngunit sa lahat ng aking iniisip ay sumigaw ako kay HESUS. Ang sigaw na ito ay di naririnig, ngunit narinig ng DIYOS ang sigaw ng walong taong gulang na batang babae na ako noon. May sumulpot na nakasuot ng puti, kinalas ang mga tali sa punong kung saan ako nakagapos, itinumba ang malaking palayok, at itinaboy ang mga umaapi sa akin. Nakatingin lang siya sa akin at sinabi Niya, "manatili ka sa likod ko". Hindi ko masabi na si HESUS iyon, baka anghel iyon. Pagkatapos ng interbensyon na ito ay mapayapa na ang mga gabi ko. Kinaumagahan, nagising ako na umaawit sa mga wika, puno ng hindi maipaliwanag na kagalakan. Aleluya!


Sa mga sumunod na taon, nakaranas ng masasakit na pangyayari ang pamilya ko. Nang di ko sinasabi, nagalit ako sa DIYOS. Hindi na ako binabangungot, ngunit nawawalan na ako ng saya. Hindi na ako nagtiwala sa Kanya nang "buo". Dahil alam kong nakikinig Siya sa akin, paminsan-minsan ay kinekwestiyon ko Siya, nagdarasal, nagbasa ng aking Bibliya, at piniling sundin ang Salita kapag ito ay angkop sa akin. Huminto ako sa pagsasalita ng mga wika at kalaunan ay nakalimutan ko na natanggap ko ang regalong ito. At saka, hindi ko man lang alam na ito pala ang kaloob ng pagsasalita ng mga wika. Palagi kong iniisip na kumakanta lang ako sa wikang banyaga.





Bilang isang nakatatanda, nang tiyak na tinanggap ko si HESUS, ang mga salitang "sinseridad" at "pagpapalagayang-loob" ay nagkaroon ng buong kahulugan. Sinimulan ko ang aking mga panalangin sa mga simpleng salita, nagsalita ako na para bang ang DIYOS ay pisikal na nakatayo sa aking harapan. Kung naramdaman kong kailangan kong umiyak at ngumiti hindi ako nahiya. Hindi ako makapagkunwari, atbp. Lahat ng ito’y dahil noon bata ako, alam kong mahalaga ang mga panalangin ko. Kung ikaw ay isang magulang, mariing hinihikayat kitang magbigay ng Salita at manalangin kasama ng iyong mga anak. Hindi pa ako isang ina ngunit walang pagkukunwari, naniniwala akong sapat na ang aking patotoo upang mahikayat ka. Hindi mahalaga kung ito ay sa umaga, sa gabi, pagkatapos ng paaralan, o bago matulog. Hanapin ang iyong sandali. Sa parehong paraan na ang bawat isa ay may kanya-kanyang araw para sa mga gawaing bahay, hayaan ang bawat isa na magkaroon ng kanyang araw upang basbasan ang pagkain o irekomenda ang gabi. Sa madaling salita, bigyan sila ng pagkakataon na isabuhay ang kanilang natutunan sa Sunday school. Natututo tayong manalangin sa pamamagitan ng pagdarasal.


** Mè yéga = Magandang Umaga (ibig sabihin rin ay Salamat) sa lengguwahe ng Bassa (Cameroon).

** Selamat pagi = Magandang Umaga sa Indo


0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat
bottom of page