top of page

Kung sumunod lang sana ako ... (Ang maliliit na bagay # 1)


Konnichiwa (こんにちは) minamahal. Pagpalain nawa ng PANGINOON ang iyong araw, ang iyong linggo at ang iyong mga journey. Isang bagay ang umunawa ng mga oras at panahon, at isa pang bagay ang maghanda nang maayos. Ang kalidad ng iyong paghahanda ay nagpapakita ng bubuuin ni KRISTO sa pamamagitan mo. Nawa'y tulungan ka ng ESPIRITU SANTO na mamuhay nang maayos sa iyong mga pagbabago! Ikaw ay pinagpala!


Sinabi sa kanya ni JESUS, “Dahil nakita mo Ako, naniniwala ka na ba ngayon? Mapalad [maligaya, espirituwal na ligtas, at kinalulugdan ng DIYOS] ang mga hindi nakakita [sa Akin] at naniwala [sa Akin].” ____

Juan 20:29 (AMP)





Naalala ko nung isang Biyernes, anim na taon na ang nakakaraan. Plano kong makipagkita sa ilang mga kaibigan pagkatapos ng trabaho. Nagplano kami na mag-dinner sa isang restaurant, at pagkatapos ay magbo-bowling. Ako ay nasa graduate internship sa Paris. Patapos na ang taglamig. Kadalasan, pumupunta ako sa opisina na naka-ballerinas o sneakers. Ngunit noong araw na iyon, nagsuot ako ng itim na pumps. "For once, hindi ako ang pinakapandak sa pictures," naisip ko. Pinayuhan ako ng ESPIRITU SANTO na magsuot ng sneakers o at least magkaroon ng isang pares ng ballerina sa aking bag. Hindi ako nakinig sa Kanya.


Pagdating ko sa opisina, sinimulan ko ang araw ng usual: email, tawag, meeting, dalawang analyses, report at lunch break. Napakaganda ng araw na iyon. Ang ganda ng panahon. Mula sa opisina ko sa eleventh floor, napakaganda ng view. Ang napakadaldal kong katrabaho ay off duty. Masaya akong kasama siya, ngunit sa ilang araw sa pagitan ng mga tawag at pagbisita ng mga katrabaho, talagang mahirap magtrabaho. Naappreciate ko ang katahimikan!


Biglang tumunog ang fire alarm. Kalagitnaan na ng hapon. Mula sa kinauupuan ko, kitang kita ko ang mga taong nagmamadaling umalis, ngunit nanatili ako sa aking upuan, nagkukunwaring walang naririnig. Noong nakaraang linggo, anim na beses kaming nag-simulate ng mga evacuation drill. Nagsasawa na ako sa paulit-ulit na alarm at evacuation. “Naisip ko, “Tama na ‘yan, huwag na nating i-overdo.


Makalipas ang labinlimang minuto, napansin kong tumunog pa rin ang alarm. Sa isang simulation, huminto ang alarm pagkatapos ng pitong minuto. Pitong minuto, sa oras na iyon ay dapat nakaalis na kaming lahat sa aming mga mesa. May security guard na dumaan para tingnan kung walang laman ang mga opisina, at sarado ang mga cabinet, nakita ako. "Hindi ito simulation, bumaba kana agad. May sunog sa mga kusina ng company restaurant", sabi niya. Mabilis kong kinuha ang aking bag, at umalis sa aking opisina na nagsasalita ng mga wika. Pagkasabi nun, ang spiritual kong pakinggan, di ba 🙂 ? Pagkatapos ng kalahating oras, pinayagan na kaming bumalik sa aming mga opisina. Aleluya! Napakalakas ng DIYOS! Oo, "Ang taimtim na panalangin ng matuwid ay may malaking epekto." (Santiago 5:16) Amen!


Good news, except naka-block ang mga elevator. Nagsimula ang aking panloob na monologo: "Seryoso? Paano kung kinuha ko ang pagkakataong umalis? Tiyak nananaginip ako. Kung isasaalang-alang ang bilang ng mga panaginip at pangitain na mayroon ako bawat linggo, hindi ito nakakagulat. Hindi, hindi ako nananaginip , totoo ang eksena. May ipapadala akong report at alam ng manager ko na nandito ako. Hindi ako makakapagsinungaling. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Okay, pero. Hindi ako makababa, pero ngayon sana may gawin ang isang anghel.... 🙁 Kung sinunod ko lang sana ang ESPIRITU SANTO."


Buong tapang, binaba ko ang labing-isang palapag ng hagdan. Oo labing-isa... Hindi sorpresa kong nasaksihan ang pinabilis na pagkasira ng aking magandang pumps. Wala nang oras para maawa sa sarili, sobrang sakit ng paa ko. At higit pa sa lahat, ang bote ng tubig ay walang laman. Nasusulat "Ang tao ay hindi mabubuhay sa tinapay lamang, kundi sa bawat salita [Rhema] na lumalabas sa bibig ng DIYOS" (Mateo 4:4). AMA, humihingi ako ng tawad. Inaamin ko na nagkasala ako. Dapat nakinig ako sa ESPIRITU SANTO. Ngunit sana may gawin ka dito. Hingal na hingal ako, masakit ang mga paa ko at uhaw na uhaw ako. Hindi ka magtatampo sa sapatos, anak mo ako! Oo, nagdasal talaga ako ng ganyan. Ang Kanyang sagot: "Sa lahat ng bagay at saanman ay natuto akong mabusog at magutom, maging sagana at mawalan ng lakas. Lahat ng bagay ay magagawa ko sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin" (Filipos 4:13). 🙁 Sabi ko Amen.


Natapos ang araw, pumunta ako sa restaurant gaya ng plano. Bumili ako ng tsinelas sa unang bukas na tindahan. So much para sa swag. Kung nakita mo ang mukha ng hostess pagdating ko sa restaurant... Mabuti para sakin , ang reservation ay nakapangalan sa akin at naroon na ang mga kaibigan ko. Puriin ang DIYOS, ng-enjoy ako kasama ang mga kaibigan ko. Hindi maganda ang tsinelas gaya ng pumps, pero ok lang. Malaki ang ngiti ko. 🙂 Inilipat ang bus stopdahil sa konstruksyon. Labing-isang hagdan ang inakyat ko ngayon. Wala lang sa akin ang paglalakad ng walong minuto. Hindi man lang ako natatakot. Pagkababa ko pa lang ng bus ay bumuhos na ang ulan. Nagdasal ako sa mga wika ngunit, hindi tumigil ang ulan.... 🙁 Hayaan kitang isipin kung anong estado ako nakauwi. Kung sinunod ko lang sana ang ESPIRITU SANTO.



Sa lahat, AMA, pinagpapala kita. Oo, pinagpapala kita. Naging mas malala pa sana yun. Higit pa sa pagligtas sa akin ang ginawa mo: Tinuruan mo ako. Napagtanto ko na wala sa iyong payo ang walang saysay. Ang pakikinig sa iyo sa maliliit na bagay ay nagliligtas sa akin mula sa malaking problema.


Ag aral ⬇ 

Sa pagpili kay HESUS, itinalaga natin ang ating sarili sa isang relasyon, hindi isang relihiyon. Interesado ang DIYOS sa maliliit na bagay sa pang-araw-araw na buhay. Sinasagot ng DIYOS ang taimtim na panalangin, hindi mga kapritso. Huwag mong pahabain ang kahihinatnan ng iyong pagsuway, magsisi kaagad. Ang panalangin ay hindi kapalit ng pagsunod. Iligtas ang iyong sarili sa hindi kailangan, makinig sa ESPIRITU SANTO.



** Konnichiwa (こんにちは) = Magandang umaga sa Japanese


0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


bottom of page