top of page

Ang iyong mga kaloob ay maaaring magpapahintulot sa ESPIRITU SANTO na kumilos sa buhay ng mga tao.



Zdraveĭte (Здравейте) ang siyang nanalo! Bwanj ang itinataas ng DIYOS! Ibuhos nawa sa iyo ng Panginoon ang langis ng kagalakan at bigyan ka nawa ng kaunawaan. Nawa'y ang iyong mga kabiguan ay maging mga aral at ang iyong mga tagumpay ay maging mga propesiya para sa mga nakapaligid sa iyo. Huwag kalimutan na ang lahat ng mga susi ay nasa Salita.


"Ang pagkakaroon ng mabuting kaisipan ay ang pag-ibig sa sarili; ang pagyamanin ang kaunawaan ay ang pag-unlad." Kawikaan 19:8 (CJB)
"Kung saan walang pananaw [walang rebelasyon ng DIYOS at ng Kanyang salita], ang mga tao ay hindi mapipigilan; Ngunit masaya at mapalad siyang tumutupad sa batas [ng DIYOS]." ( Kawikaan 29:18 , BFC )


Nagsimula akong mag-coach apat na taon na ang nakakaraan. Hindi pa ako sertipikadong coach, ngunit nagboluntaryo akong tulungan ang mga bagong binyag na gawin ang kanilang mga unang hakbang at umakyat sa unang hagdanan ng paglalakbay kasama si KRISTO. Mga unang hakbang upang maunawaan ang Salita at unang hagdanan upang manalo sa kanilang mga laban at tumayong matatag.


Gumawa ako ng WhatsApp group kasama ang lahat ng babaeng kasama ko. Tuwing Biyernes ng umaga, bawat isa sa amin ay kailangang ibahagi sa grupo ang kanyang pagmumuni-muni sa isang taludtod o kanta, na sinusuportahan ng testimonya o praktikal na halimbawa. Isang beses sa isang buwan, nag-organisa ako ng call, kung saan inanyayahan ko ang bawat isa sa amin na manalangin batay sa mga talatang ito. Ito rin ay pagkakataon upang pag-usapan ang isang paksa na tila angkop para sa kanila sa panahong ito. Tuwing dalawang linggo, isa-isa ko silang kinakausap. Sa telepono, sa restaurant, o pagkatapos ng serbisyo sa simbahan. Sa mga indibidwal na meeting kami ay nanalangin, nag-usap tungkol sa kanilang hamon, kanilang mediation, at iba't ibang mga paksa. Gusto kong malaman nila (nang hindi ko sinasabi) na hindi ko sila tinatawag bilang pormalidad. Ang mga ito ay hindi mga interogasyon kung sila ay dumalo sa lahat ng mga kaganapan sa simbahan, o kung sila ay nagbibigay ng ikapu. Ang mga ito ay tunay na mga oras ng pagpapalitan. Isa ako sa mga taong naniniwala na ang mga relasyon ay hindi ipinapatupad, sila ay binuo.



Isa si EA sa mga una kong sinamahan. Nasa huling taon na siya sa high school nang magkakilala kami. Pagkatapos ng kanyang baccalaureate, nag-sign up siya para sa isang taon ng civic service sa timog ng France. Ang mga unang buwan ay naging maayos. Natuklasan niya ang kanyang bagong rehiyon at sinamantala ang kanyang libreng oras upang lumabas kasama ang isa sa kanyang matalik na kaibigan, si Déa, na nagsasagawa ng civil service sa isang kalapit na bayan. Walang lokal na simbahan na malapit sa kanila. Kaya tuwing Linggo ng umaga, nagkikita sila sa bahay ng isa't isa para sabay na manood ng pagsamba online.


Isang Biyernes, tinawagan niya ako at sinabing, "May sasabihin ako sa iyo. Kailangan ipagdasal mo ako, nagsimula akong manigarilyo ulit. Sa ngayon, isang sigarilyo lang ako sa isang araw, pero mas gusto kong sabihin sa’yo, para hindi ako madulas." Dalawang emosyon ang sabay kong naramdaman. Natutuwa ako na siya ang nagkusa na tawagan ako para sabihin sa akin ang tungkol dito, at nagulat ako na hindi ko napansin. Kalmadong tinanong ko "Kelan pa? Paano nagsimula? Ano nangyari sa araw ng unang paninigarilyo?" Ang totoo, tinutugunan ko siya at ang ESPIRITU SANTO.


Sa takbo ng diskusyon, nalaman ko na sa nakalipas na dalawang linggo, binago ang iskedyul ng kanyang team. Naka-duty siya tuwing Linggo at hindi na magiging available sa parehong araw ng kanyang kaibigan. Nangangahulugan ito na siya ay may pagpipilian na gumugol ng oras kasama ang kanyang mga miyembro ng team o manatiling nakakulong sa kanyang kwarto upang matuto ng Ingles at muling basahin ang mga libro na ibinigay ko sa kanya. Mabait ang kanyang mga teammate ngunit hindi sila ang kasamang kailangan niya. Isa siya sa pinakabata sa grupo at may ilang exceptions, lahat sila ay naninigarilyo. Ang pag-aaral ng isang lngguwahe sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng mga libro ay posible, ngunit mas maganda na pagsamahin ito sa mga interes. Mula nang lumipat siya, nagpadala ako sa kanya ng libro bawat buwan, ngunit hindi ito sapat upang magpalipas ng oras. Isa pa, wala siyang computer, kaya nanood lang siya ng mga video sa kanyang smartphone.




Noon ko napagtanto kung ano ang nangyayari: siya ay naiinip at walang mga plano o pananaw para sa kanyang hinaharap. Malinaw, ang diyablo, na "gumagala-gala na parang leong umuungal, na naghahanap ng masisila niya" (1 Pedro 5:8-9), ay gustong samantalahin ito upang "magnakaw, pumatay at pumuksa" (Juan 10:10). . Naintindihan ko rin na kailangan kong i-reorient ang aming mga pag-uusap. Kailangan naming pag-usapan ang higit pa tungkol sa kung paano namin mapapalanunan ang aming mga laban, kung paano namin pinananatili ang aming mga tagumpay, kung bakit mahalagang bigyan ng kahulugan ang aming ginagawa at magkaroon ng pananaw para sa aming buhay. Naniniwala ako na higit pa sa pagtuklas sa plano ng DIYOS para sa ating buhay, kailangan nating mapagtanto kung bakit mahalaga sa Kanya ang planong ito.


Mayroon akong hybrid na tablet na hindi ko ginagamit. Nagtataka ako kung bakit hiniling sa akin ng ESPIRITU SANTO na bilhin ito. Ang aking Samsung hybrid PC ay maayos pa para sa akin (nasa akin pa rin ito). Ang tablet ay hindi kasing lakas ng hybrid na PC, hindi ito isang malaking brand, ngunit ito ay sapat na i para sa panonood ng mga video at paglagay ng mga notes. Sinabi ko kay Ea: "Mayroon akong bagong tablet na hindi ko ginagamit. Ipapadala ko ito sa iyo kasama ang isang libro ni Joyce Meyer. Ipagdadasal kita at kasama ka. Naniniwala akong may gap na gagawin ang DIYOS upang punan ang iyong personal na pakikipag-isa sa ESPIRITU SANTO Ang pagiging malaya mula sa isang kasalanan, isang masamang ugali o isang demonyo ay hindi katapusan sa sarili nito. Ang pangwakas ay maging kung ano ang gusto ng DIYOS at umunlad ka sa paggawa ng kung ano ang inaasahan Niya sa iyo."


Huminto si Ea sa paninigarilyo noong araw na natanggap niya ang tablet. Hindi na siya muling naninigarilyo. Sinamahan ko siya hanggang sa matapos ang kanyang civic service. Nag-iingat akong huwag gawinng tanging paksa ng pag-uusap namin ang mga hamon niya. Ilang buwan na ang nakalipas, sila ni Déa ay nasa bahay ko para sa hapunan at pelikula. Na-diagnose si Ea na may sickle cell disease. Noong nagkita kami apat na taon na ang nakalilipas, mayroon inaatake siya bawat buwan. Mula noong nagka-tablet, hindi siya kailanman inaatake. Nagwo work-study siya para maging HR (Human Resources Manager) at naglilingkod sa lokal na simbahan. Perpekto ba ang buhay niya? Tulad nating lahat, siya ay lumalaki, bumabangon, natututo, umaakyat ng mga hakbang. Hindi ko pinahiran ng langis ang tabletang ito. Ang isa sa aking mga tawag ay sa Propetikong ministeryo, ngunit nakakagulat na hindi ko siya binigyan ng propesiya. Iniinsist ko, hindi kailanman, hindi isang beses. Hindi ko na rin akalain na ginagamit niya pa rin ito. May laptop siya at kung tama ang pagkakaalala ko, wala na ang tablet. Kailangan niya ang Salita upang mabago ang kanyang pag-iisip. Paano niya natanggap ang Salita? Sa pamamagitan ng mga e-book, aral, sermon, testimonya, na binasa at pinanood sa tablet. Sa isang artikulo, isinulat ko na huwag tanggapin ang lahat ng handog. Sa isa pa, nagsulat ako kung minsan kaunti lang ang kailangan para magbigay ng inspirasyon. Ngayon, sinasabi ko sa iyo: ang iyong mga kaloob ay makapagbibigay-daan sa ESPIRITU SANTO na kumilos sa buhay ng mga tao. Kapag hiniling ng DIYOS na magbigay ka, bigyan mo. Kapag hiniling Niya sa iyo na maghasik, maghasik.

La leçon ⬇

" Maging mahinahon, maging maingat; sapagka't ang inyong kalaban na diyablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala, na humahanap ng masisila: Na siya'y labanan ninyong matatag sa pananampalataya, sa pagkaalam na ang gayon ding mga kapighatian ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nasa mundo." (1 Pedro 5:8-9, KJV)


Walang hindi matitinag na pananampalataya kung wala ang Salita at ang testimonya. Sa tuwing namamagitan ka, nagbibigay, naghahasik, nagpapatotoo, naglilingkod, at bumangon, may nakakakuha ng salita at testimonya. Huwag tumigil sa paggawa ng ipinagagawa sa iyo ng DIYOS.



Pagnilayan

  • Juan 8:31-32, KJV ____ "At sinabi ni HESUS ​​sa mga Judiong sumampalataya sa kanya, Kung kayo'y magpapatuloy sa aking salita, kayo nga'y tunay na mga disipulo ko; At inyong malalaman ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo."

  • Pahayag 12:11, KJV ____ "At kanilang dinaig siya sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at sa pamamagitan ng salita ng kanilang testimonya; at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan."



** Zdraveĭte (Здравейте) = Hello sa Bulgarian

**Bwanj = Hello sa Nyanja (Zambia))




Comments


Newsletter / tumanggap ng balita sa pamamagitan ng email.

  • Facebook Social Icône
  • Twitter Icône sociale

© 2020 Simone-Christelle (Simtelle) NgoMakon

bottom of page